Mga tauhan sa el filibusterismo kabanata 1
Mga tauhan sa el filibusterismo kabanata 1-5.
Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang maikling buod ng El Filibusterismo Kabanata 1 – Sa Ibabaw ng Kubyerta. Bukod pa d’yan, pag-aaralan din natin ang mga mahahalagang pangyayari, mga tauhan, tagpuan, talasalitaan, at mga aral, mensahe, o implikasyon na makukuha sa kabanatang ito.
Related:El Filibusterismo Buod ng Buong Kwento (Maikling Buod) »
Mga Nilalaman
Buod ng El Filibusterismo Kabanata 1 – Sa Ibabaw ng Kubyerta
Isang umaga ng Disyembre, ang bapor tabo ay naglalayag sa liku-likong landas ng Ilog Pasig papunta sa Laguna.
Sa kubyerta ng bapor ay naroon sina Donya Victorina, Don Custodio, Ben Zayb, Padre Salvi, Padre Sibyla, Padre Camorra, Padre Irene, at Simoun. Ang kanilang tinalakay ay ang mga plano para sa pagpapaganda ng Ilog Pasig at mga proyekto ng Obras del Puerto.
Nagbigay ng mungkahi si Simoun na maghukay ng isang diretso at tuwid na daan mula sa simula hanggang sa dulo ng Ilog Pasig.
Ang lupa na mahuhukay ay gagamitin upang ibara ang dati ni